Micah 6:8

  • Archive
  • RSS
  • Some questions?
Archbishop Tagle graced us with his presence at the first ever Ignatian Festival held in Ateneo. I was really looking forward to his homily.
75% of his homily were simple kwentos of his life as a seminarian and how Jesuits formed him. But his important points were all at the end, and it was really enlightening and moving.
He basically mentioned everything the Jesuits believed in, everything I’ve learned from the past 4 years in Ateneo. It made me reminisce my not-so-far college years and all the things I’ve learned about my faith, discernment and prayer the Ignatian way.
Truly blessed with my Ateneo Jesuit Education.
Zoom Info
Archbishop Tagle graced us with his presence at the first ever Ignatian Festival held in Ateneo. I was really looking forward to his homily.
75% of his homily were simple kwentos of his life as a seminarian and how Jesuits formed him. But his important points were all at the end, and it was really enlightening and moving.
He basically mentioned everything the Jesuits believed in, everything I’ve learned from the past 4 years in Ateneo. It made me reminisce my not-so-far college years and all the things I’ve learned about my faith, discernment and prayer the Ignatian way.
Truly blessed with my Ateneo Jesuit Education.
Zoom Info

Archbishop Tagle graced us with his presence at the first ever Ignatian Festival held in Ateneo. I was really looking forward to his homily.

75% of his homily were simple kwentos of his life as a seminarian and how Jesuits formed him. But his important points were all at the end, and it was really enlightening and moving.

He basically mentioned everything the Jesuits believed in, everything I’ve learned from the past 4 years in Ateneo. It made me reminisce my not-so-far college years and all the things I’ve learned about my faith, discernment and prayer the Ignatian way.

Truly blessed with my Ateneo Jesuit Education.

    • #mylife
    • #ateneo
    • #jesuit
    • #ignatian festival typography
    • #God
    • #to give and not to count the cost
    • #archbishop
    • #tagle
  • 11 months ago
  • 9
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

Maiiwasan ba ang idolatriya sa “pagpapangalan” at pananampalataya sa Diyos?

Maiiwasan ba ang idolatriya sa “pagpapangalan” at pananampalataya sa Diyos?

(Can one avoid idolatry in naming and having faith in God?)

Kung isinabi ni Archbishop Rowan Williams sa kaniyang artikulo na “If you meet God, kill Him”, natutunan ko ring sabihin kasabay nito na “If you meet God, kill yourself.”

Dumating ako sa punto na nakita kong biniyayaan ako ng sobra sobra sa halos lahat ng aspeto ng aking buhay. Ang pamilya ko ay kompleto at masaya, ako’y iskolar sa isang napakagandang unibersidad, ako’y parte ng organisasyon na tinutulungan akong kilalanin ng mabuti ang Diyos, at nakita ko rin ang isang taong handang mahalin ako. Lahat ng ito’y tinignan ko bilang napakagandang biyaya mula sa Diyos. Dahil sa aking mga karanasan, nakita ko ang Diyos na umaapaw lang ang pagmamahal para sa akin. Tumalab sa akin ng sobra ang kaniyang walang katapusang pagmamahal.

Nakita ko ang Diyos na mapagmahal. At gaya ng naunang sinabi ko, ito’y isang napakagandang kahulugan ng Diyos. Pero kahit na maganda ang paglarawan ko sa Diyos, sa pamamagitan ng pagsabing siya’y mapagmahal, isa itong pagkahon dahil ang Diyos, kailanman hindi maihuhulog sa iisang depinisyon lamang. Hindi siya kailanman maihuhulog sa kahit anong lengguahe at kategorya ng isang taong tulad ko. Hindi siya mahahawakan dahil Siya ang hahawak sa akin. Siya ay higit sa lahat, at laging lalampas.

Pero kinailangan kong masabi at makita ang Diyos bilang isang Diyos na mapagmahal. Gaya ng kailangan ng tao na ilagay ang Diyos sa isang larawan, dahil ito lamang ang paraan para Siya’y maunawaan kahit papaano. Oo, hindi siya kailanman maiintindihan dahil siya’y lampas sa ating karunungan, pero susubukan parin nating makilala siya. At ang tanging paraan lang ay ilagay siya sa isang larawan or idolo na ating maiintindihan at mahahawakan.

Oo, kailangang ilagay ang Diyos sa isang idolo o larawan, pero hindi ibigsabihin ay ito na lamang ang mananatiling kahulugan ng Diyos para sa atin. Magkaiba ang magkaroon ng idolo sa idolotriya. Ang magkaroon ng  idolo ay hindi maiiwasan dahil ito lamang ang paraan natin bilang tao na makilala at maunawaan ang Diyos. Iba ito sa idolotriya kung saan hindi porket ilinagay ko na siya sa isang kahon ay hindi na ito bukas para mapalitan o malagyan ng bagong kahulugan sa pamamagitan ng pagpapakita pa muli ang Diyos sa ibang paraan.

Ang idolotriya ay iba sa magkaroon ng idolo sa paraang sarado ka na sa iyong pagkilala ng Diyos na kailanman imposibleng mangyari. Dahil ang Diyos ay kailanman hindi mo mauunawaan at maiintindihan, kaya kapag naihulog mo na ang Diyos sa isang larawan o kahulugan, ito’y hindi Siya. Hindi kailanman mabibigyan ng pangalan ang Diyos dahil walang pangalan ang Diyos.

Sa pagkahon sa Diyos, ito’y isang pagkahon rin sa sarili. Nung naikahon ko ang Diyos bilang Diyos na mapagmahal, wala akong inisip kung hindi ibigay ang puso at gawin ang lahat para Sakaniya. Gusto ko maipakita sakaniya na ako’y isang anak niya na masaya at biniyayaan lamang ng sobra kaya nais ding ibigay ang lahat ng sobra. Pero hindi ko ito nagawa. Nagkulang ako ng sobra sa aking pamilya, sa aking mga kaibigan sa aking mga tungkulin. Hindi ko nagampanan ng tama ang aking mga trabaho. Dahil dito, nahiya ako sa aking sarili. Dahil dito, nakita ko ang sarili ko na walang kuwenta sa mata ng Diyos at sa mga tao sa paligid ko dahil hindi ko kaya maibalik sa Diyos o maibigay sa mga tao ang pagmamahal na binigay niya sa akin. Nahiya ako sakaniya, kaya lumayo ako Sakanya. Sabi ko, aayusin ko muna ang aking sarili, at pag naayos ko na, saka ako lalapit Sakanya para siya’y maging “proud” sa akin.

Nung kinahon ko siya, kinahon ko ang sarili ko dahil nakadepende sa pagtingin ko sa Diyos ang pagtugon ko sakaniya. Dahil ikinulong ko ang Diyos na mapagmahal, akala ko na ang paraan ng pagtugon Sakaniya ay ang magmahal din ng sobra sobra gaya Niya pero hindi ko naman magawa.  Matagal akong nagdadalamhati dahil ang walang kwenta ng tingin ko sa aking sarili. Mahaba pa siyang paglalakbay, pero natigil ang lahat ng sinabi sakin ng aking kaibigan na “Bakit, sino ba nagsabi sayo na gawin mo ito para Sakanya?  Sinabi ba niya ito sayo?”

“Hayaan mo ang Diyos na maging Diyos.”, ang sunod niya saking isinabi. Nung binalikan ko ang aking mga naranasan, at hinayaan ko na makinig lamang sa Diyos, nakita ko na wala Siyang hinihinging kapalit para sa Kaniyang pagmamahal. Nakita ko na, oo, mapagmahal Siya at biniyayaan Niya ako, pero Siya rin yung Diyos pwede kong takbuhan. Masyado ko Siyang ikinulong na Diyos na mapagmahal, kaya’t nagdulot na ikahon ang aking sarili na dapat tumugon sa paraang pagmamahal Niya rin. Hindi ako naging bukas sa isang Diyos na tatatanggapin ako kahit na ako’y magkamali at magkulang at hindi ko kailangang maliitin ang sarili ko.

Mahirap na hindi maikulong ang Diyos sa isang kahulugan, pero ito’y hindi imposible. Oo, kailangan natin Siyang ilagay sa isang kategorya para maunawaan at maintindiihan, pero kailangan na hindi tayo sarado dito at bukas tayo sa iba pa Niyang paraan ng pagpapakilala. Kailangan handa tayong mabasag sa kahulugang binuo natin, o tayo mismo ang babasag dito. Kapag sinabi nating ito ang Diyos, sasabihin din dapat na hindi ito ang Diyos. Tinatawag ito ni Ricoeur na withdrawal of the name, kung saan bago pa natin Siya pangalanan, dapat alam natin na ito’y hindi niya rin pangalan. Maari siyang intindihin sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang “hazard zone” at “safe zone”. Sa pagpapangalan ng Diyos, hazard zone ang pagbigay ng larawan sa Diyos. Walang mali rito, pero may panganibna maikulong natin Siya dito. Sa safe zone, andito yung withdrawal of the name, kung saan inilalarawan mo siya pero may kasamang pagbawi sa pagpapangalan na ito.

Naniniwala ako na ang pagkilala sa Diyos ay may malaking kaugnayan sa pagkilala sa sarili. Gaya ng hindi tayo yari, ganun din ang pagkilala sa Diyos. Kahit na makilala ang Diyos bilang ganito sa isang oras, maaring magbago ito dahil maaring magpakita Siya satin sa ibang paraan pagdating ng oras. Ang pagkilala natin sakaniya ay parte parte lamang Niya sapagkat  yun lang an gating kaya. Hindi natin siya kayang kilalanin ng buong-buo. May kaugnayan ang pagkilala sa Diyos sa aking sarili dahil kami’y nasa isang relasyon. Sa aking palagay, higit sa withdrawal of the name, isa pang makakatulong sa atin na maiwasan ang idolotriya ay ang tunay na gustuhing kilalanin siya. Gaya siguro ng gusto nating kilalanin habang buhay ang isang iniibig. Gusto mong makasama lamang ang iyong sinta habang buhay at mas makilala lamang siya sa pagdaan ng panahon habang kasama siya diba? Siguro ganun din sa iyong relasyon sa Panginoon na isang siklo lamang ng pagbasag at pagbuo muli. Ang pagiwas sa idolotriya at pagkulong sa Diyos ay walang katapusang pagbasag at pagbuo. Para mas makilala ang Diyos, kailangan lamang maging bukas sa pagbasag, at kapag kinailangan ikaw na mismo ang babasag, at maging matatag sa pagbuo ng kahulugan muli. Kasabay nito, ang pagbasag narin ng sarili, at pagbuo nito.

Uulitin ko ulit, hindi madali na iwasan ang idolotriya. Pero may kasama itong pagtaya at pagpili. Mahirap na laging maging bukas sa isang Diyos na magpapakita sa iba’t ibang paraan at oras. Mahirap na mabasag ng ilang beses at maging matatag lang na buohin ang kahulugan ng Diyos, at ng sarili. Pero ang inyong relasyon, ang iyong gusto na kilalanin lamang siya, ay hindi tinatawag na pananampalataya kung wala itong pagpili at pagtaya na mangagaling lamang sa  sarili.

Oras na Makita mo ang Diyos, basagin ito. Basagin na rin ang sarili. Nag hindi maikahon ang Diyos at ang sarili naniniwala at nananampalataya Sakanya.

——

This is my Philosophy 103: Philosophy of Religion paper.

    • #Mylife
    • #Ateneo
    • #Calasanz
    • #Philosophy
    • #103
    • #Religion
  • 1 year ago
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

Ingredient ba o condiment [ng pagpapakatao] — ang pananampalataya sa Diyos?

Hindi bago saakin ang tanong na ito, sa katunayan, second year college pa lamang ako, naitapon na sa akin ang tanong na ito. At kahit ngayon, sa simula ng pagsagot sa tanong at pagsulat ng papel na ito, ay napakarami at bigat parin ng mga frustrations na nararamdaman marahil hirap paring makita ng malinaw kung ano nga ba ang papel ng pananampalataya sa Diyos ng  pagpapakatao. At nais kong subukang tahakin at lakbayin ng mas mabuti at ng mas malalim ang paghanap sa sagot sa tanong, dahil mahalaga na masagutan ko ito.

Naaalala ko pa ng mabuti yung araw na una itong itinanong sa akin ng aking kaibigan at sa isang heartbeat, ang sinagot ko ay ingredient. May galak sa pagsabi ko nito. Pero nagulat ako ng sinabi sa akin ng aking kaibigan na condiment para sakanya ang pananampalataya sa Diyos. Hindi ako nung una makapaniwala, na ang Diyos ay isang condiment lang. Pero alam kong maganda ang relasyon ng aking kaibigan sa Diyos at siya’y matalino kaya’t gusto ko malaman kung bakit. Naging bukas ako, at gusto kong maintiindihan. Siguro may parte na din sa akin na gustong pumasok sa diskusyon tungkol dito ng mas makita kung ano nga ba ang tamang sagot.

Ingredient ang pananampalataya sa Diyos marahil hindi ko lang makita ang buhay ko na walang Diyos. Sobrang malaking parte Siya ng aking buhay. Pero sabi ng aking kaibigan, na ito’y para sa akin lamang at kailangan ko ring tignan sa pangkalahatan. Paano yung mga taong hindi naniniwala sa Diyos pero masaya? Paano yung mga taong hindi naniniwala sa Diyos pero mabait sila? Sa una nagtatapon ako ng mga argumento, pero napatigil din ako sa punto niya na hindi ba’t mas may halaga na condiment ang Diyos at di mo naman Siya kailangan pero pinipili mo Siya na maging parte ng buhay mo, imbis sa Ingredient ang Diyos at pinipili mo Siya dahil alam mong kailangan mo Siya para maging buo? Hindi ba’t mas mukhang pagibig siya kung pinili mo Siya kahit na hindi Siya kailangan at added-value lang Siya?

At bigla akong napatahimik at nakaramdam na parang umaalon sa aking dibdib. May parte sa akin na hindi nga nakikitang pa-importante ang Diyos na ginawa Niyang kailanganin natin Siya. At hindi ko lang naman Siya mahal dahil lamang sa isang rason na binubuo Niya ako. Kasama ito, pero mahal ko rin Siya dahil natutunan ko sa Kaniya ang ibigsabihin ng pagmamahal sa karanasan ng kaniyang pagmamahal na kusang naitutulak lang akong gawin din ito sa iba. I don’t see Him as a self-centered God. It makes so much sense, but there was no peace within me. Walang kapayapaan sa kalooban ko. Sobrang simple at daling intindihin at mas ankop sa lahat ng tao na Condiment nga ang Diyos at hindi lamang personal sa akin. Pero parang hindi ko lang matanggap na hindi kailangan ang pananampalataya sa Diyos sa pagpapakatao. Hindi lamang talaga. At alam ko na hindi lang ako stubborn, dahil gusto ko rin naman malaman ang katotohanan tungkol sa Diyos ko.

At dahil gusto ko nga lang malaman ang katotohanan, dumating ako sa punto na nag tanong-tanong ako sa mga tao. Atat ako na tanunging ang lahat at makinig lamang sa sasabihin nila. Ako’y umaasang sa mga sagot nila baka mapagtagpi-tagpi ko para sa aking sarili ang aking sariling sagot. Hindi parin nawawala ung gustong malaman kung ano nga ba talaga ang papel ng Diyos sa pagpapakatao, at hindi lamang sa pagpapakatao ko, pero sa pagpapakatao ng kalahatan. Walang katapusang pagtatanong ang aking ginawa simula second year ako hanggang ngayon sa aking mga kaibigan sa bahay, aking mga ate at kuya sa mga organisasyon at pati narin ang aking mga blockmates. Gusto ko marining yung iba’t ibang sagot ng iba’t ibang klase tao. At masaya kahit papaano na nakakakuha ako ng iba’t ibang magagandang sagot at dahil dito nakikilala ko ng paonti-onti ang Diyos. Pero hindi parin nawawala angfrustration. Oo, maraming iba’t iba at napakagandang sagot, pero hindi ko parin masagot para sa aking sarili ang tanong. Ingredient ba o condiment [ng pagpapakatao] — ang pananampalataya sa Diyos?

Dahil sa aking pagtatanong sa iba’t ibang tao, isang beses, nakakuha ako ng isang sagot na kakaiba. Ang sabi lang niya sa akin ay, “Walang tama at mali sa sagot na iyan. Basta’t mapanindigan mo kung ano iyong sagot mo, at kung ano ang kahulugan nito sa iyo.”

Kung iisipin siguro dapat ay naging payapa na ang aking kalooban ko sa sagot na iyo at hindi ko na kailangan mapalagay dahil wala nga namang tama o mali. Pero hindi nawala ang frustration. Buhay na buhay parin siya. Sa paghahanap sa katotohanan, hindi sapat na makahulugan ito sa akin. Kailangan ko lang naman talaga malaman dahil alam ko na kung ano man sa dalawa ang totoo, may masasabi ito tungkol sa Diyos. At iyon lang naman ang gusto ko, na mas makilala ang Diyos. Gusto ko lang na mas maintindihan at mas makilala siya. Siya nga ba’y isang malaking parte talaga ng ating pagkatao at kabuuan? Siya nga ba’y hindi isang self-centered God na gustong maging malaking parte ng buhay natin at binigyan naman niya tayo ng free will na piliin Siya? Siya nga ba’y isang patuloy na gabay sa bawat galaw, bawat yugto ng buhay ng mga tao, naniniwala man sakaniya o hindi? Siya nga ba’y isang Diyos na hindi kailangan para maging buo, pero mas nakakapagbigay ng kahulugan? Sino nga ba Siya? Sino nga ba ang Diyos at ano ba ang papel Niya sa pagkatao ko? Ano nga ba ang papel Niya sa buhay ko? Maari kong bang malaman ano ang tamang sagot para naman makatulong na mas makilala ko Siya?  

Pagkatapos ng napakadaming tanong, sa tulong na rin ng katahimikan, sinubukan kong tignan lamang ang lahat. At aking napansin na lutang ay ang karanasan ng frustration sa aking paglakbay na masagot para sa aking sarili ang pilosopikong tanong na maaring wala ngang tama o maling sagot. Bakit lutang ang frustration? Bakit buhay na buhay ang  emosyon na ito?

May frustration dahil sa hindi matahimik na pagnanasang makilala lang talaga Siya. Sobra yung kasiyahan ko tuwing tinatanong ko yung mga tao kung ano sagot nila at kahit papaano nasisilayan ako ng Diyos na hanap hanap ko. Pero hindi naman ito talaga kahit kailan magiging sapat. Dahil ito’y isang pagkilala lang sa Diyos at hindi ko naranasan. Malaki ang pagkakaiba sa may malaman tungkol sa Diyos at ang makilala ko Siya mismo. At hindi marahil hindi ko masagot ang tanong dahil hindi ko Siya makasama at makilala sa sariling karanasan.

Isa rin sigurong rason ay ang katotohanang di naman talaga Siya kayang maintindihan at makilala ng buo dahil Siya’y ganap na iba.

Pero bakit pa ninanais na makilala Siya kung mahirap. Bakit pa sinusubukang kilalanin ang Diyos kung alam ko namang kaunti lamang ang kaya ko. Mabibigo at mabibigo lamang din naman ako. Bakit? Dahil sa simpleng rason na gusto ko pang ipagpatuloy na mahalin Siya. At magagawa ko lamang ito habang patuloy na nakikilala Siya, at sa pagkilala ko Sakanya nadaragdagan ang rason na mas mahalin lang Siya, gaya ng sabi ni San Anselmo sa Proslogion:

“Let me find You in loving You, and let me love You in finding You.”

                Lutang ang emosyon ng frustration dahil gusto ko nang mahalin pa Siya at magagawa ko lang ito sa pamamagitan ng makilala at maranasa pa Siya. May pagkabigo sa mga pagkakataong pilit Siyang kinikilala at hinahanap pero hindi nagwawagi. Dahil dito, mayroon tuloy mga pagaalinlangan sa mga bagay. Mayron tuloy mga pagaalinlangan sa buhay. Parang ang hirap tuloy gumalaw dahil ang mga desisyon ko sa buhay ay nakaugat sa spiritualidad ko, at sa relasyon ko sa Diyos. Nakaugat ang aking paggalaw sa buhay na ito sa pagkilala ko Sakanya, na Siyang pagibig, kabutihan at higit pa sa lahat ng ito.

                At hindi ko inakalang, oo sa isang heartbeat kaya kong sabihingIngredient para sa aking pagkatao ang pananampalataya ko sa Diyos, pero kaya ko rin itong sabihin pagkatapos ng isang matagal na paghahanap, na may mga pagkabigo rin, kung sino Siya sa pamamagitan ng paghanap ng sagot sa tanong na Condiment ba Siya o Ingredient sa ating pagpapakatao.

                Masasabi kong Ingredient ang pananampalataya sa Diyos sa ating pagkatao. Una, ang pagiging tao ay hindi lamang ang katotohanang buhay tayo, humihinga at tayo’y gumigising araw araw. Siguro yun ung kontekstong nagsasabing condiment ang Diyos dahil kaya naman nating huminga at mabuhay ng hindi Siya pinapansin. Ang kabuuan ng ating pagkatao ay higit pa rito. Oo, kaya kong mabuhay na walang Diyos, pero ang buhay na ito ay isang buhay na walang halaga, walang laman, walang direksiyon. Ang ako na iyon, ay hindi ako, at hindi buo. Ang adobo na walang main ingredient ay isang pagkain parin, pero hindi ito yung adobo na alam natin. 

Nabubuo tayo kapag tayo ay maligaya, pag tayo ay nakarating or nakakaranas ng gaudium. Itong gaudium na ito ay ang Diyos. Itong gaudium na ito ay Siyang mapagmahal na Diyos na ginawa tayo para maging masaya, at Siya na ang mismong naghahanap satin para madala Niya tayo dun sa kaligayahang iyon. Hindi kailangan maniwala na Diyos para sabihin na ang kabuuan ay nakakamit sa isang kakaibang ligaya. Ang ligaya na ito ay walang iba kung hindi ang Diyos, at siguro dito papasok ang pagkakilala ko sa Diyos na siya’y hindi naman pinipilit ang kaniyang sarili sa atin. Hindi man natin Siya pinapansin o pipiliin, andiyan parin Siya, tinutulungan at ginagabayan tayo tungo sa daan na ikabubuti natin at ikaliligaya natin. Sapat na sakanya na maging parte ng buhay natin, kahit hindi natin Siya piliin na maging parte ng atin.

                Siyang pagibig, kapayapaan, at lahat ng mabuti, at mas higit pa sa mga ito, added value lamang? Hindi ko maipinta. Sabi ko nga sa simula, na sa una, parang madaling hawakan, it makes sense. Pero hindi ba’t pag nakita natin na kinayang hawakan at Diyos, hindi na Siya ito? Hindi ba’t kailangan binabasag ang mga larawan ng Diyos pag masyado na itong sarado at malinaw, dahil imposibleng makita ang Diyos ng sobrang linaw at simple.

                Hindi ako kung sino ako kung walang Diyos. Wala naman kasi talagang nanggaling sa akin eh. walang nanggaling sa atin. Hindi ko maisip na kung condiment man Siya, saan nanggaling ang pagmamahal, ang kapayapaan at ang kabutihan na nanggagaling sa atin? Sakanya lamang nanggagaling ito. At nasa atin na ang pasya kung aalamin pa natin ang mga kasangkapan ng napakasarap na luto ng adobo, at kung bibigyan natin ito ng halaga. Sakin, aalamin ko pa. Aalamin ko ano ang nagpapasarap sa paboriton kong adobo. Ano man ang iyong pasya, hindi parin magbabago ang mga kasangkapan nito. 

—-

This is more than a Calasanz Philosophy Paper to me. I poured my heart and faith into this. :)

    • #Ateneo
    • #Calasanz
    • #Paper
    • #Philosophy
    • #mylife
  • 1 year ago
  • 1
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
Posting this only because it captures Sir Calasanz so much. It’s definitely his laugh.
One of the most amazing professor in the Ateneo teaching a very beautiful course which is Philosophy of Religion. Get him. 
And yes, I survived him! I even got great scores in his long test. Booyeah.
—-
The best thing I’ve learned from him and his lectures can be summed up by the line “Let me find You by loving You, and let me love You by finding You” - San Anselmo
*Tell me if this is your photo, I shall credit
View Separately

Posting this only because it captures Sir Calasanz so much. It’s definitely his laugh.

One of the most amazing professor in the Ateneo teaching a very beautiful course which is Philosophy of Religion. Get him. 

And yes, I survived him! I even got great scores in his long test. Booyeah.

—-

The best thing I’ve learned from him and his lectures can be summed up by the line “Let me find You by loving You, and let me love You by finding You” - San Anselmo

*Tell me if this is your photo, I shall credit

    • #Calasanz
    • #ateneo
    • #ph103
    • #philosophy of religion
    • #blog
    • #PhiloTheo
  • 1 year ago
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
4 years ago, I entered Ateneo driven with success, wanting to conquer the world.Now I come out of it driven with love,wanting to change the worldin my own simple way. ♥Hmm, masyado ko ata sineryoso ang pagka-Atenista ko. Salamat, sa lahat ng tao na tinulungan ako sa loob ng apat na taon na lubos na makilala ang aking sarili, ang aking bayan, at higit sa lahat ang aking Diyos. Maraming salamat sa pagmamahal. Down the world, go I. :)
Pop-upView Separately

4 years ago, I entered Ateneo 
driven with success, 
wanting to conquer the world.

Now I come out of it 
driven with love,
wanting to change the world

in my own simple way. ♥

Hmm, masyado ko ata sineryoso ang pagka-Atenista ko. Salamat, sa lahat ng tao na tinulungan ako sa loob ng apat na taon na lubos na makilala ang aking sarili, ang aking bayan, at higit sa lahat ang aking Diyos. Maraming salamat sa pagmamahal. Down the world, go I. :)

    • #Ateneo
    • #Batch 2012
    • #Graduate
    • #blog
  • 1 year ago
  • 8
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

Sayang

“Sayang nga ba talaga, kung worthy naman yung mga tao na pinagsasayangan mo?” - Ms. Sabs Ongkiko

I felt a certain peace when she said this. A joyful kind of peace.

I’ve had troubled thoughts of not making it to March 2012 as a graduate for some time now, and I tell you, I’m not exagerrating. I’m never the programmer, I’m never the studious type. I love philosophy and theology, but my grades aren’t “ateneo standards”. I’m really having difficulties with my majors, and with my philosophy class.

And a little part of me, tells myself I’ve wasted too much of my time in my organizations. I’ve wasted too much of my time, especially, with YFC-A. I’ve sacrificed a lot for YFC-A. All my college life, it’s been a prayer meeting, a camp, or MVP 204 over anything else. I make sure I don’t miss a camp, despite a Saturday class. I make sure group meetings don’t fall on a 4:30-6 of an mwf. I make sure that a friend gets my company despite its almost morning and I still have a 7:30 class. am. 

True, I’ve sacrificed a lot for YFC-A. But come to think of it, it doesn’t feel like a sacrifice at all. YFC-A is my family, it’s my home. And like what my Philosophy 103 teaches us, it’s a circle of accident, choice and grace. It’s an accident I’m in YFC-A. I chose to stay and love. And with that, it becomes grace. A grace from no one but Him.

Like for Maam Sabs, people won’t understand why she’s wasting too much of her time to her students, the way people won’t easily understand why I’m wasting my time in YFC-A. It will never make sense to some. It’s  precious time, wasted- and I wouldn’t have it any other way. 

I won’t be graduating with any honors, distinctions or skills developed to be proud of. But I’ll be graduating with so much love, with so many amazing relationships, with so many stories of amazing people, each with their wonderful faith.

Oo, sinayang ko oras ko, at patuloy ko sasayangin ang oras ko na makasama pa ang mga taong mahal din ang Diyos ko. Dahil mahal ko sila. Dahil halos isang buwan na lang ako may oras na sayangin ito para sakanila. At dahil sa pagsasayang na ito, paglabas ko sa Ateneo, alam ko kung saan o kanino dapat sinasayang ang oras.

Ikaw? Saan o kanino mo sinasayang ang sarili mo? 


    • #Ateneo
    • #Maam Sabs
    • #Reflection
    • #Sabrina Ongkiko
    • #Sayang
    • #YFC
    • #Blog
    • #mylife
  • 1 year ago
  • 14
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
my YFC family. :)
Pop-upView Separately

my YFC family. :)

    • #Ateneo
    • #Christmas Party
    • #YFC
    • #blog
  • 1 year ago
  • 12
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
I guess if I can’t change the world, I can at least take care of the families I’ve crossed paths with and I’m left accountable for.After two years I’m glad to have seen my NSTP family once again. Happy Christmas Ate Alice, Gemmalyn and your whole family. ♥
View Separately

I guess if I can’t change the world, I can at least take care of the families I’ve crossed paths with and I’m left accountable for.

After two years I’m glad to have seen my NSTP family once again. Happy Christmas Ate Alice, Gemmalyn and your whole family. ♥

    • #Ateneo
    • #Bernardo Family
    • #Gemmalyn
    • #LTS
    • #NSTP
    • #blog
    • #mylife
  • 1 year ago
  • 20
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
4PEAT! Congratulations Blue Eagles! :)
Pop-upView Separately

4PEAT! Congratulations Blue Eagles! :)

    • #UAAP
    • #Ateneo
    • #4peat
  • 1 year ago
  • 11
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
with COA Council of Representatives 2011-2012
Pop-upView Separately

with COA Council of Representatives 2011-2012

    • #COA
    • #YFC
    • #Ateneo
    • #Senior Year
    • #blog
  • 1 year ago
  • 2
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
Computer Science 2012 Block N1
Pop-upView Separately

Computer Science 2012 Block N1

    • #Block
    • #N1
    • #CS
    • #Ateneo
    • #Senior Year
    • #blog
  • 1 year ago
  • 17
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
Loves this design so muuuch! Excited for ORSEM LIPAAAAAD. :D
Pop-upView Separately

Loves this design so muuuch! Excited for ORSEM LIPAAAAAD. :D

    • #Orsem
    • #Lipad
    • #2011
    • #Ateneo
    • #Freshmen
    • #Orientation Seminar
  • 2 years ago
  • 9
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
YFC-Ateneo Execom Girls. :)
Pop-upView Separately

YFC-Ateneo Execom Girls. :)

    • #YFC
    • #Ateneo
    • #Batangas
    • #Plansem
  • 2 years ago
  • 2
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
Such beautiful colors. :) During our Execom Plansem. 
Pop-upView Separately

Such beautiful colors. :) During our Execom Plansem. 

    • #YFC
    • #Ateneo
    • #Plansem
    • #Execom
  • 2 years ago
  • 2
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
Page 1 of 4
← Newer • Older →

About

Photobucket

Photobucket

Roxy Navarro // 21
Katipunan // Makati // Las Pinas
Systems Analyst by day
Graphic Designer by night


roxy@worksofheartph.com


My designs Random works My love

Photobucket

Instagram




free counter
  • RSS
  • Random
  • Archive
  • Some questions?
  • Mobile
Effector Theme by Pixel Union